Found this in while reading my past journals. Made me smile.
Dec. 21, 2008
11:27 AM
Sunday
Mga kuning-kuning sa jeep. Filipino quirks and oddities.
DITO LANG SA PILIPINAS…
…may mga tinderang nagagalit pa sa ‘yo pag bumibili ka at di ka pagbibilhan kung wala kang “smaller amount”
…ang mga babae sumisigaw ng equality among sexes pero gusto lahat, ni ultimo panty, ay sagot ng boypren nila
…ang mga pulis size 46 ang bewang
…ang mga lalaki umiihi sa kalye na kala mong may bahay sila kada kanto
…ang mga dapat mag-implement ng batas ay siya pang unang bumabali ng batas
…ang mga pulis, huli lagi dumating sa eksena (tapos na ang nakawan, patayan, sunugan, singahan)
…ang mga pulis ay hindi pinagkakatiwalaan kundi kinatatakutan
…si muning at si bantay ay ginagawang pulutan at noche buena
…maraming imbentor pero walang pumapansin kaya pina-pirate ng ibang bansa
…may linear equation sa society: Ang mayayaman, lalong yumayaman. Ang mahihirap, kahit tatlo ang trabaho, ay lalong humihirap
…ang mga tindahan, lalo na sa probinsiya, ay andaming luchbreak at alas-sais pa lang sarado na
…mas gusto manuod ng mga tindero at tindera ng Wowowee at Eat Bulaga kaysa pagbilhan ka
…may Fear Factor Philippines pero sa Argentina ang shooting (Asan ang “promotion of Philippine Tourism” daw dun?)
…ang tax na binabayaran mo di mo nakikita kung saan napupunta
…ang mga politician ay overly talented. Hindi lang sila politician, magikero pa sila. ‘Pag naupo sa pwesto, biglang nagkakaroon ng bahay sa Forbes at Mercedes Benz kahit na P20,000 lang ang sweldo nila kada buwan. At kumukuha sila ng pera ng bayan nang di mo nalalaman at kaya nila tong palahuin ng parang bula in 1 second (magic!)
…ang magulang ang pinalalaki, hindi ang anak
…ang mahirap mas gusto na mas maraming anak kahit wala nang paglagyan kesa bumili ng contraceptive (mas mura nga naman daw gumawa ng bata kesa bumili ng contraceptive)
…ang mga nars ay nuknukan ng sungit!
…ang kinakaltas ng gobyerno sa sweldo mo na SSS ay kailangan mo pang utangin (san ka nakakita ng sarili mong pera inuutang mo, may interes pa!)
…ang mga mag-asawa ay tapos na ng college ang mga anak, sa magulang pa nakatira
…ang mga namamalimos ang nagdidikta kung anong pwede mong ibigay sa kanila. Eksampol:
Pulibi #1: Palimos po…
Butchie: (magbibigay ng tinapay o mineral water)
Pulubi # 1: Hindi ho, kahit onting tulong lang ho.
Butchie: Yan hong pagkain, hindi ho ba tulong yan?
Pulubi #1: Pera ang kailangan ko, hindi pagkain.
Pulubi #2: (kakatok sa pinto) Tao ho…palimos po.
Butchie: (magbibigay na naman ng pagkain. Dis taym, lucky me pancit canton naman)
Pulubi #2: Baka ho pwede kahit limang piso na lang,pambili lang ng pagkain.
Butchie: Ayan na ho ang pagkain, wala ho akong pera.
Pulubi # 2: Eh di bale na lang ho, salamat na lang. (sabay tatalikod at di na kukunin ang pancit canton)
At ang pinakamalupit, si Pulubi #3 sa ilalim ng Buendia LRT station, na dati ko nang nakita sa Singalong.
Pulubi #3: (manghahatak ng tisyert) Ale, palimos po.
Butchie: (dahil nagmamadali at walang pera o pagkaing dala, magbibigay ng piso) Eto ho, pasensiya na, wala kasi talaga kong pera, pamasahe na lang.
Pulubi #3: ANO TO?! PISO?! ANONG MABIBILI KO DITO? (Sabay ngingiting aso at itatapon ang piso sa kin)
Da neeeeerd!!!!
Sabi nga sa Hoy!Gising!: Bato-bato sa langit, ang tamaan ‘wag magalit. Dahil ang pikon, ay siyang laging talo. Hehehe.