Pwe!Overrated.Ang magsabi uli na maganda sa kaplan,tuturukan natin ng Haldol.
1.Ganito ang siste ng NCLEX Review nila:magbayad ka ng P21000(para sa laboratory na sabi nila ay “unlimited access to informative videos” plus 26 sessions “lecture” or P19000 for laboratory lang.Ang hindi nila sinabi sa yo,32 hours per week ka lang pwede gumamit ng bulok nilang vhs at tv players para sa videos starring US RNs na menopausal na,with a very encouraging white or light blue background,at yung mga sinasabi ng mga tanders ay siya ring eksaktong words na nasa book.Para kang nage-early Pasyon.
2.Kung wala kang kahit gamunggong study habits at sanay ka sa spoonfed review,wag ka sa kanila.Ang lecture mo actually ay yung videos at self-study nung 2 books na bigay nila na pareho rin halos laman. Ang live lectures na 3 hours daw per day ay test lang in the morning then rationalization with a prof na lahat ng nasa projector na ga-Bible kahaba na binabasa niya ay kinuha lang niya sa net.Eh di magsurf na lang tayo davah?
3.Kung ayaw mo ng prof na maldita,wag ka sa kanila.Lagi pa may disclaimer, hindi ako magaling sa dosage, sa psych,etc…kayo na bahala diyan tutal kayo mage-exam.Eh di sana di na lang kami nagbayad for the lecture davah?Tutal pareho din namin na wala siyang alam.Sabay bibira pa ng “wag niyo sabihin di magaling lecturer niyo dahil 2k lang ang bayad niyo sa kin.”Nauulol baga.Magreklamo ba daw sa min sa sahod niya.eh kung ako binabayaran ng 2000 per student for 26 days para lang magbasa ng mga “research” sa net maiihe na ko sa tuwa.
4.Kung ayaw mo malito kung ano ang tamang info.ang daming discrepancies sa videos at books na bigay nila.halimbawa, sa coursebook ng Kaplan nakalagay na normal CVP reading ay 3-12 cm H20,sa video ay 3-8cm.Eh sila kaya mismo gumawa at nagproduce pareho nun.
5.Kung ayaw mo mautusan o masabon ng mga taong binabayaran mo para magturo sa yo,wag ka sa kanila.Dahil may pagka-oc oc ako,sinabi ko sa prof yung discrepancies.Ang sabi niya:”Put it into writing;Take note of the video number and page number.”Nalilito ata lola mo.Di kaya ko nagbayad dun para maging editor at ubusin ang oras ko magspot the difference sa isang libro nila at sandamakmak na videos.eh di ba responsibility nila yun iupdate pareho?Nagreklamo na lang ko direkta sa mastermind nila:sa Kaplan US.Nagreply ang direktor nila na kamukha ni grumpy of the 7 dwarfs na “latest” version na daw ang mga videos na yun(kahit yung mga damit at buhok nila ay kapareha pa ng sa nanay ko nung new wave era) at baka daw nakakalimutan ko na na ang mga normal values na gusto ko ipaayos ay knowledge based, at di yun ang tinetest sa nclex, kung di critical thinking.Ayus.
6.Kung may balak ka umabsent pero magmake up class kahit sa ibang batch,wag na.Bawal ang make up session.Kahit mamamatay na dagang kosta mo dahil kumain siya ng pusa.
7.Kung gusto mo magpraktis ng questions sa bahay at magkaroon ng copy ng napakaprecious nilang quesitonnnaires,wag ka na.Bawal iuwi ang questionnaires,tests, kahit answer sheet bawal iuwi.Kahit ipaxerox lang bawal.
8.Kung ayaw mo sa bading na nagrereserve ng slots at nagooperate ng vhs at nagpapahiram ng libro na masungit at mapagmaliit sa mga janitor at feeling mataas, wag ka sa kanila.
9.At lastly, kung ayaw mo na masayang ang pera mo o ng kawawang magulang mo, wag ka sa kanila.Tutal, ang binabayaran mo lang basically ay ang dalawang libro nila at mga videos nila na iisa din lang ang laman, bumili ka na lang sa Morayta nung pirated.Or ipaxerox mo yung mga libro ng mga nagkaplan.Para mahasa naman ang binabasa mo bumili ka ng NCLEX-based test cd din sa morayta na mga 10-in-1.100 lang yun.May kaplan questions na dun, lippincott, mosby,saunders, etc.AT, magsurf ka ng net. hehe.