Dsc00364       



Sabi nila mabait ako. Ano ba ibig sabihin talaga ng mabait? Ano bang weight nun? It’s just a word way overused. Kahit sino naman puwede sabihin yun kahit kanino eh. Parang, “Oh tangna mo, dahil mabait ka, maglinis ka nga banyo, kuskusin mo mga arinola sa bahay na to, at pulutin mo ng kamay mo ang mga patay na ipis.” Mabait pala eh, eh bakit bad karma ako lagi? Sabi ng prof ko sa Spirituality, dapat hindi tayo naniniwala sa karma, kasi hindi siya Christian concept, Hindu yun. Heniwey, naglalabo-labo na ata laman ng utak ko.


Ang labo lang eh. Minsan mahal na mahal ka, parang gusto mo nang mamatay sa sarap. Parang “oh siyet, diz is in lab, dis is heben.” Minsan naman parang feeling mo ikaw yung nanay sa tv na sinasampal sarili niya sa salamin. Parang wala lang, parang pwede ka bulyawan, santabi, pagsabihan na kala mo eh sampung taon ka lang at di pa ganun kabuo utak mo; kalahati pa lang yung nagana, yung kalahati ginagawa pa lang sa pabrika. Pwede naman sabihin ng maayos, pero dapat  talaga makasakit ka eh noh? Kailangan lagi maipakita ng mga ulupong na ganito ka lang kaliit, kaya kitang tirisin parang kuto sa ulo ko.

Ewan. 

Tangna,  kahit di ko lam ano exactly measure nun alam ko mabuti akong tao.  Ulul lang ako magsalita, malakas tumawa, kita ngala-ngala, laging may gago o putang ina na sahog ang kwento ko, pero mabait ako.  Kaya nga lagi naaabuso eh saka kinakaya-kaya lagi saktan. “Sige onti pang tiis, malapit na ko magalit…” Pero totoo, di ko naman talaga naaabot yung maximum level eh. Di ko ma’todo na to!’ Laging may natitirang onti pa, kaya pa. Bulsyit. Kailan kaya ko magagalit(hindi inis lang) ng sobra na kaya ko manapok ng tao?

Tama na nga. Sabi nga ni chastine, “ang laki-laki mong tao, di bagay sa yo ang sweet at umiiyak”.
In Uncategorized

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *